Tuesday, February 28, 2006
[[*
pahinga na! *]]
STATUS: currently listening to TIKMAN by sugarfree from the album ultraelectromagneticjam!
rest lang from rewriting my lecture notes.. endocrine sytem..
shit! kanina pa to nakapost ngayon ko lang na-edit wala na tuloy akong masabi.. hehe.. aga naming umuwi this day.. finished na fluids and electrolytes.. okay lang yung exam.. wish ko lang mataas makuha ko.. anyway.. si dee nandito ngayon.. nakatulog siya sa bed ko.. ang cute niya.. hindi ko siya napicturan.. sayang.. pero tinititigan ko lang siya while sleeping.. para kasing baboy eh.. hehe.. yan! nagedit din ako ng layout.. see?! hehe.. hindi naman talagang pinanindigan namin na vain kami pareho?! haha.. wala lang.. gusto ko lang i-show off na i'm happy with my hubby.. hehe.. kaya lang.. may ayaw ako sa kanya eh.. secret!!!.. hehe.. whatever it is.. mawawala din yun.. ayun.. yun lang..
tulog!
nakatulog ako sa kakaaral.. hindi masyadong obvious noh.. dahil kitang kita na may highlighter at libro.. hehe.. ganyan talaga pagnursing.. sanayan nalang.. hindi katulad ng.. hehe..
ang saya mo bading ka!
i'm studying at gloria jean's.. look at hubby parang bading hehe.. love you..
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
2:26 PM
Sunday, February 26, 2006
[[*
last gimmick?! *]]
while waiting for dee to arrive.. hehe.. mama and i played jackstones.. parang mga bata.. saya! missing the old days.. and the good thing was.. i won! hehe
mama and me playing jackstones
gimmick sa mugen.. there was an event entitled "TEASE".. a project of UP JMA.. okay lang.. i'm with camille, elvin and his friend iggy (i don't know the spelling).. tapos bob and neng.. si tommy sumunod.. kinulit ko eh.. i had a great time last night.. kaya lang.. hell na this coming week.. back to school work.. i hate it! grrr..
sexy chiqx
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
10:08 AM
Saturday, February 25, 2006
[[*
speechless?! *]]
nagonline ako.. nagchat kami ng old friend ko, si ADEZ.. kumain at iniwan nakaconnect parin.. dumating si dee.. medyo may hindi pagkakaunawaan.. umalis siya.. umakyat ako para maginternet ulit.. nagtype ako para makapunta sa blogger.. kinulit si TOMMY na sumama sa metrowalk.. hindi effective.. tumawag si dee sa cell.. binaba ko.. eto ngayon ako.. nagtatype ulit.. pero sa totoo lang WALA TALAGA AKONG MASABI!!!..
buti nalang cancelled ang exam sa fluids kasi kung hindi winner si sir.. babagsak talaga ako dun kasi kalahati palang ang naaral ko.. videoke lang katapat.. tanggal ang problema kong constipation.. hayy.. sabihin niyo ng nakakadiri pero promise 4 days akong hindi dumudumi.. and that was because of stress.. stress lang hindi ka na makakadumi.. eh kasi it has somehing to do with the nervous system.. activated kasi so they have to absorb more water sa stool so bumabagala ng movement ng intestine.. well.. hindi naman ako nahirapan.. success talaga.. i just drank water.. solve lahat.. hehe.. kinuwento daw ba.. well.. at least informed kayo na stress can trigger constipation diba.. at least alam niyo kung anong gagawin.. napagaralan ko yan sa metabolism eh.. tangna! isa pa yun sa pinoproblema naming lahat.. wish ko lang makapasa diba.. ang sakit na sa ulo..
minsan nangungulit nalang kami ni bob eh.. ang victim, si KIT..
MGA PANGUNGULIT-SLASH-WEIRDONG TANONG:
LALA: Anong tawag sa bola ng bowling?
KIT: bola! ng bowling!
LALA: bowling ball? ang sagwa naman non! hehe
LALA: Naisip mo na ba na ibato ang bowling bowl kay maki?
BARBY: Kit, ilan yung bowling ball mo? sampu din?
KIT: hindi! isa lang..
BARBY: ah.. akala ko kasi 10 din.. kaya nga inisip ko siguro nagdadala ka ng car para dun ilagay lahat
ng bola
LALA: Kung ilan ang number ng pins ganon din kadami bola mo?
LALA: nung first time mo ba nadulas ka?
KRISTEN: pwede! (sabay tawa)
KIT: ano ba namang tanong yan ang weird.. hindi!
LALA: Naisip mo na bang ipang bilyar yung bola ng bowling?
weird nga diba?!
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
11:57 AM
Wednesday, February 22, 2006
[[*
memorabilia *]]
@ araneta
"I believe in destinies. I hope one will happen today."
Everything has its own purpose. If God gives you that person, He has a reason, He has a plan.. same thing if He takes that someone away from you. No need to ask questions. Life is full of surprises. I guess we'll have to find it out by ourselves.
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
8:22 AM
Sunday, February 19, 2006
[[*
fun-day-yesterday *]]
currently listening to AKIN KA NA LANG of itchyworms..
sobrang talented din ang mga pinoy..
anyways, i was in malate last night with my 2 bfs. okay lang. 4 am na ako nakauwi at shempre pinagalitan ako kasi takas lang yun eh. hindi na talaga ako pinapaalis ni mama. eh sorry stressed out ako eh kaya dapat ako magsaya. next week wala ng duty pero another concept na naman at malupit pa kasing weigh niya yung oxygenation. sana pumasa. yun ang tanging hiling naming barkada. i also had a great time yesterday. aside from barhoppin' at malate, we watched a movie "FUN WITH DICK AND JANE". okay lang yung movie nakakatawa. i'm with bob, karen, berna, noel and our new friend froi. o diba. complete ang mean girls. tapos hang out lang sa gloria jean's coffee. paano naman daming tao sa starbucks and coffee bean. wala lang. tsaka lately dun an din kami nakakapagaral ni bob eh. mas tahimik. hmm.. it's so depressing lang sa malate. maraming pwedeng mapuntahan at ang daming boys.. kaya lang puro bi sila. =c awww.. ang cutie pa naman kaya lang mostly ang hanap nila puro boys lang.. hehe. ay! si berna hindi talaga papahuli kahapon. pinaguusapan kasi namin yung about sa WCC. eh sabi ko parang hindi nga daw maganda dun kasi wala halos pumapasa sa boards na galing dun. sabi ko pa baka nga hindi pa accredited ng PAASCU yun eh.. etong berna humirit pa. "EDI HINDI PA PUMAPASA SA BFAD YUN?!" huh?! haha.. nakakatawa ka talaga berna sana ched diba! at ang bago! si karen ang favorite song. ODE TO MY FAMILY. heller?! 10 years ago. ang pinakahuli. "Alam ko na bob, salary nalang ni PARIS WILTON!" hehe.. sino si paris wilton?! ang highlight ako ang nagcorrect sa sarili ko. "AY! PARIS WILTON. PARIS HILTON TANGA!". haha!
smile!
bangag!
me.. kinda tipsy!
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
2:39 PM
Friday, February 17, 2006
[[*
WINNER!!! *]]
shempre talo na naman kami kay sir R.. ano pa nga ba?! pinirito kami kanina sa case presentation.. tapos na duty.. next week lecture ulet.. well.. at least hindi na masyadong nakakastress not like this week.. hayy.. i will not go into details pa.. basta tinoxic niya kaming lahat.. nung Thursday nga eh.. late siya at the same time wala ring seniors haha.. aba sobrang payapa kami.. pero nung dumating na siya.. nagkagulo sa nurse station. sa totoo lang wala pa akong gaanong tulog.. during duty kasi hindi naman ako nakakapagaral eh.. kaya last ngiht lang.. ang badtrip pa may case presentation nga.. wala tuloy akong naaral.. tangna! laking tuwa ko siguro pag nakapasa ako. may 2 nigths nga umiyak ako eh.. kasi sobrang stressed out na ako.. it's my way of relieving stress.. medyo effective naman yung nga lang maga ang mata mo kinabukasan.. slow na akong magisip ano ba yan?! wait.. talagang sleepy na ako.. next time.. hayy..
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
7:16 PM
Thursday, February 09, 2006
[[*
OR *]]
frances using a defibrillator on px dex!
tres marias sa OR?!
hehe.. that's me!
the girls of group 13
tulog na naman?!
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
9:55 AM
Tuesday, February 07, 2006
[[*
BLUE BABY *]]
second day ko sa OR.. exciting pero nakakatakot.. minsan kasi masungit yung mga doctors even nurses nga eh.. eh first time namin.. "EMERGENCY CS" sabi ng nurse galing DR.. ang case vehicular accident.. kawawa naman.. pagkatapos ng caesarian din.. hinila na namin ang stretcher paloob ng OR II..
hindi ko nakuha ang major operation.. si bridgitte muna medyo kabado pa eh.. and besides i'm still not familiar with the instruments.. maraming tao sa room.. may 6 na part ng operation, 2 JI sa gilid ko, 1 anesthesiologist at 7 medical interns pa.. ng hinila ng doctor ang baby.. hindi siya umiiyak.. so hindi siya humihinga.. the nurse tapped his feet.. he didn't cry.. the doctor shook him still there's no reaction.. wala lang.. teary-eyed na ako kanina actually.. parang lahat na except the ones performing the operation were alarmed.. talagang lahat awang-awa sa bata.. sobrang muntikan na akong ma-trauma.. nakita ko blue na yung paa ng baby then i prayed.. sobarng nagdasal ako for him.. parang hindi ko kaya na mamatayan ng patient.. lalo na baby pa.. they had to do CPR just revive him.. i was thinking pa nga kung paano nila ieexplain sa mommy when she wakes up diba..
buti nalang buhay siya.. yun nga lang alam natin na may problem na siya.. ang weak din kasi ng cry niya.. eh the louder the better.. it will tell you kasi na open yung lungs mo.. and it will close your ductus arteriosus if ever there's a contact to air.. feeling ko hidni ako makakatulog if ever namatay siya.. but i realized one thing.. sobrang ang hirap pala ng work ng mga doctors and nurses.. gagawin mo lahat para lang mabuhay yung patients.. at nakakapagod siya ha.. nakatayo magdamag.. tapos kailangan i-maintain yung sterility ng place or kahit sa sayo.. or else.. baka palabasin ka.. aba! baka hindi mo pa nakuha yung case.. kaya iwasan mo ang nurse o kaya doctor na magsasabi sayo ng "SCRUB OUT"!
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
7:09 PM
Thursday, February 02, 2006
[[*
quotes *]]
"If true love fails, set yourself free.. let your heart spread its wings and fly again.. remember that you may find love and lose it, but when love dies.. you never have to die with it.."
"True love covers the eyes to see no wrong. True love darkens reason to consider every situation. True love loves more when it hurts much. True love is still true even to the point of letting go.."
"When you love, you thought you would never get tired.. you thought it would never end.. but sometimes, you need to be tired to realize that love too can end.. especially if it wasn't meant.."
"Its not easy to let go of something you've put everything into.. but its harder to realize later on that youve been holding on to something that wasnt meant there.. anymore.."
"It's sad when you fall for someone and finally decided to stop because of the pain. You tell everyone that you let go and moved on but deep inside you, you know you haven't, you never did, and maybe just maybe, you never will.."
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
7:14 PM
Wednesday, February 01, 2006
[[*
what a stressful day! *]]
GAGAMBAAAAAAHHHH!!!!
isipin mo tumalon yan sa balikat mo.. haha.. yan ang feeling ko kanina nung nakita ko yan.. at shempre pinagtripan din namin.. binabato namin ng papel.. ewan ko ba kung bakit meron niyan sa ampitheater.. naghahanap ata ng mate! wala lang.. gusto ko lang ishare na may malaking spider sa room kanina at gusto rin ata makinig sa discussion namin na nakakapagod at nakakaburaot.. sobrang nakaka-toxic.. kahit na nakaupo ka lang at nagsusulat.. sobrang TOXICATED lahat ng tao.. nakakapagod.. kaya nga ako hindi pa nagaaral kasi naman stressed out na ako.. siguro nakadagdag pa ng stress yung nawala wallet ko.. haha.. KATANGAHAN! pero nakuha ko naman ulit eh.. naiwan ko pala sa canteen.. buti nalang ang nakakuha eh si ate canteen... kung hindi.. patay na.. nagworry ako kasi nandun yung credit card ko.. yun lang naman.. yung money hindi naman maxadong big deal kasi hindi ko inipon yun.. kung sa bagay malaking halaga na rin ang 500 diba?!.. what else?! wala naman masyadong important dun aside from my registration card.. na hindi card eh kasi nasa paper lang siya.. hmm.. rosary?! kasi bigay ni jaysun yun.. tapos school id ko?! hayy.. kala ko mawawala na.. i had to cancel pa my account yan tuloy permanently cancelled na yung credit card ko.. i'll have to wait for a week para mapadala yung replacement.. ok lang.. hehe.. well.. hindi naman ako masyadong nagpanic.. actually.. nakapagaral pa ako sa lagay na yun..
LALA: "kung sino man ang nakakuha non tapos hindi binagay sa akin ng buo.. mamumulubi ng 400 days".
DRAKE: "oi! masama manumpa!"
LALA: "oi! masmasama ang hindi magbalik!"
may point naman ako diba?!
DRAKE: "bakit 400?!"
LALA: "eh 400 yung natira dun eh".
BOB: "isang taon lang yun eh"
LALA: "sobra ka naman.. 400 years hindi na siya buhay non.. ano yun hanggang kamatayan mamumulubi siya? yun na ang masamang sumpa".
haha.. si barby talaga tuliro kausap.. kahapon ka pa ah.. i got my hair cut.. that was before chinese new year.. eh kasi sabi nila malas daw this year.. tapos you have to cut your hair tapos wag babasain yun hair on sunday.. kaya yun nagpagupit kami ni dee and barby.. tapos naghalf bath lang ako hehe.. sana may tikoy.. benso tikoy naman! o yun.. o xa sige.. darating na si dee.. by the way.. HAPPY BIRTHDAY REG!!! videoke nad inom?! haha..
[[*. YoUr dReAm GurL .*]] @
9:13 PM